‘DI KITA IIWAN Elin Jr
Music & Lyrics by Ferdz Din with additional lyrics by Roldan Din
Elin Jr (Vocals/Instrumentation)
Produced by Elin Jr
©Ferdz Din
Kung ang iyong puso’y bigo
Hindi mo na makuhang tumayo
Kung ang lahat ng kulay mo’y kupas
Hindi alam kung pa’no lalabas
Lahat sila’y nilimot ka
Naiwan ay lungkot sa ‘yong mata
‘Wag mangamba, kapiling ka
Narito’t hindi nag-iisa
‘Di kita iiwan, Tandaan
Sa sandaling bumuhos ang ulan
‘Di pababayaan
Makakaasa ka ngayon at kailanman
Kung sa pagsikat ng ‘yong araw
Walang liwanag na natatanaw
Kung ang lahat ng dating pangarap mo
Sa ihip ng hangi’y parang abo
Nadarama sa puso mo
Pait na dulot ng pagkabigo
Narito ako’t kapiling mo
Patuloy sa pag-ikot ang mundo
Ah ha… ah ha…